{"product_id":"2940149103195","title":"Maring (Dangal at Lakas) (Illustrated)","description":"Noong taong 190... ay nanirahan sa nayon ng B., sakop ng Maynila ang mag-asawang Pedro at Julia.\u003cbr\u003eMarálita ang kaniláng pamumuhay palibhasa’y walang ibáng paghahanap kungdi ang mamalakaya sa mga ilog at sa look ng Maynila.\u003cbr\u003eSila ay may bugtong na anak, uliran ng bait, si Maria na tinagurian ng Maring.\u003cbr\u003eKung kaaya-aya man ang gandá ng kalooban ni Maring, ay lalo pa namán [8]kaaya-aya ang gandá ng kaniyang anyo, anyo ng bagong bumubukang kampuput, at lalong-lalo pa yaong mukha niyang anaki’y mukhang angel, mukhang pinagkalooban ng langit ng lubhang mapanghalinang dikit na bihirang ipagkaloob sa taong kinapal.\u003cbr\u003eAng kaniyang mapupungay na mata ay anaki’y salamin ng pag-ibig, anaki’y sibol ng lambing, anaki’y larawan ng bait.\u003cbr\u003eAt dahil nga sa gayón, ay pinag-ingatan yatang talagá ng palad, kaya’t pinalamutihan sa dakong noó ng masinsin, nguni’t makitid na kilay na hubog tari, at binakuran ng mayabong at malantik na pilikmatá, akala marahil ng Maykapal ay upang huwag manganib sa puwing man lamang yaong mga matáng kaniyang pinagpalang talaga.\u003cbr\u003eAng kaniyang mga ngiti ay ngiting langit: naghahandog sa kaharap ng lugod na di mahulilip at walang hanggang tamis ng maamong kalooban, lalo’t talagáng maririkit yaong kaniyang mga maliliit at masinsing ngiping kinaiinggitan ng tunay na garing, at sinalitan ng isang ngiping gintong ipinasadya ng kaniyang amá, upang malubos mandin [9]ang ganda noong napakatamis na bibig.\u003cbr\u003eKung lugay ang kaniyang mayabong na buhok, ay uma-abot hangang sakong, malinis, maitim at makinang na anaki’y sarampuli ng mga Lakhang-dalaga sa unang panahon.\u003cbr\u003eSi Maring ay kayumangging maligat na namumula-mulá, at ang kaniyang pangangatawán ay katatágan sa taas at sa bilog. Ang kaniyang mga kilos ay mabining pawa, mahinhin at kalugod-lugod sa lahat ng bagay.\u003cbr\u003eMay isáng binata, bagong-taong basal na nagngangalang Gonsalo. Ito ay maralita ring gaya nilá Maring, palibhasa’y gaya rin nilang walang ibang paghahanap kungdi pamamalakaya sa mga ilog at dagat.\u003cbr\u003eSi Gonsalo ay may mga tatlong taón ng nananhik ng ligaw kay Maring, nguni’t hindi pinansin nitó ang kaniyang matapat na pagsuyo, at kadalasang isagot sa kaniya ay ang kaniyang nais na makasuyo muna sa kaniyang mga magulang.\u003cbr\u003eGayon pa man ay hindi tumatamlay ang pag-ibig ni Gonsalo, at sa tuwing sábado, gaya rin ng dati, ay siya’y nananhik ng ligaw.\u003cbr\u003e[10]\u003cbr\u003eIsáng gabi ay nanhik din ng ligaw kay Maring si D. Eduardo Sanchez, bagong-taong may mga dalawang puo’t-limang taóng gulang, makisig at bantog sa bait, sa dunong at sa yaman.\u003cbr\u003eMga ilang buan pa lamang ang kaniyang panunuyo kay Maring ay sila’y nagkaibigan.\u003cbr\u003eNahahalata ni Gonsalo ang gayon, kaya siya ay naglubay ng pagdalaw kay Maring. Nguni’t palibhasa’y taimtim ang kaniyang pagsinta, ay along nauuhaw ang kaniyang puso, ngayon hindi nakikita ang hantungan ng kaniyang mga nais.\u003cbr\u003eIsáng sábado si Gonsalo ay muli na namang nanhik ng ligaw kay Maring.\u003cbr\u003e—Maring,—ang kaniyang samong anaki’y hibik.\u003cbr\u003e—May mga tatlong taón nang ikaw ay aking dinadalanginan, saka ngayon...\u003cbr\u003eHindi naituloy ang kaniyang malumbay na samo, at pagdaka’y biglang namalibis yaong nabubungad na luhang kanina pa gumigilid sa kaniyang mga pilik-mata.\u003cbr\u003eNai-inis ang kaniyang puso.\u003cbr\u003e[11]\u003cbr\u003eBagá ma’t siya’y hindi sinisinta ni Maring, ay nahabag din ang kaniyang kalooban sa kaawaawang binata.\u003cbr\u003e—Ipagpaumanhin mo na sana sa akin ang hindi ko paglingap sa iyong pag-ibig,—ang tugon ni Maring.—Akó’y hindi na maaring suminta sa iyo.\u003cbr\u003e—¿Bakit?,—ang tanong ni Gonsalo.\u003cbr\u003e—Sapagka’t ako’y may sinisinta na,—ang pakli ni Maring.\u003cbr\u003e—Oo nga,—ang sagot ni Gonsalo.—Si D. Eduardo Sanchez. Siya’y mayaman at marunong, nguni’t ako’y dukha at mangmang.\u003cbr\u003e—Hindi namán sa gayon,—ang amo ni Maring.—Pantay-pantay sa aking balak ang lahat ng tao. Nguni’t ¿ano kaya ang gagawin, kung talagang hindi isinagi ng palad sa puso ko ang sa iyo’y umibig? Kita’y magmahalan na lamang na parang tunay na mag-kapatid.\u003cbr\u003e—Hindi mangyayari,—ani Gonsalo.\u003cbr\u003e—¿Bakit?,—ang tanong ni Maring.\u003cbr\u003e—Ewan,—ang tugón ni Gonsalo,—nguni’t ikamamatay ko yata ang aking pagkabigo sa iyo.\u003cbr\u003eMaluwat na di nakaimik ang dalawa.\u003cbr\u003eSi Maring ay nakayuko at kaniyang [12]ginuguniguni si Eduardong minumutya ng kaniyang puso; si Gonsalo ay nakayuku rin, at ginuguniguni namán niya ang kaniyang nabigong pagsuyo kay Maring.\u003cbr\u003e","brand":"Lost Leaf Publications","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":47182093156592,"sku":"2940149103195","price":0.99,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0737\/7593\/9824\/files\/2940149103195_p0.jpg?v=1763712554","url":"https:\/\/shop-qa.barnesandnoble.com\/products\/2940149103195","provider":"Barnes \u0026 Noble (DEV)","version":"1.0","type":"link"}