{"product_id":"9786210100464","title":"Strips for the Soul (Tagalog Edisyon)","description":"Babala: Naglalaman ng kalapastangan, kahubuan, at mutant na pagkain.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003eHalina sa mundo ng Kubori Kikiam! Kilalanin sina Dodon, Benjo, at Manny—mga naglalakad at nagsasalitang pagkaing kalye. Kung mahilig ka sa putaheng kakaiba, nakakatawa, at medyo abnoy, ito na ang hinahanap mong meriendang malinamnam.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003eSa komiks na 'to, nakasalubong ng mga kikiam si Stephanie, isang itim na censor strip na tinatakpan ang mga pagmumura nila sa dati nilang komiks. Inalok ni Stephanie si Dodon na rumaket sa Japan sa pagse-censor ng hentai.\u003cbr\u003e\u003cbr\u003eNang magkalintik-lintik ang raket sa pagse-censor, pinili ni Dodon na maging stereotypical na egoy rapper. Samantala, si Benjo may pa-eehersisiyo-eehersisiyo ng abs (para mangtsiks), habang si Manny ay nagpatala sa klase ng Visual Communication at may nalalaman pang thesis, sa pang-uuto—este, pagmumungkahi ng bagong \"kaibigan\" niyang si Melissa.","brand":"Flipside Digital Content Company, Inc.","offers":[{"title":"Default Title","offer_id":47175782465776,"sku":"9786210100464","price":3.99,"currency_code":"USD","in_stock":true}],"thumbnail_url":"\/\/cdn.shopify.com\/s\/files\/1\/0737\/7593\/9824\/files\/9786210100464_p0.jpg?v=1763721168","url":"https:\/\/shop-qa.barnesandnoble.com\/products\/9786210100464","provider":"Barnes \u0026 Noble (DEV)","version":"1.0","type":"link"}